Pages

Friday, April 15, 2011

True Photographer:)



Imagine kahit na nakahain na ang lahat pinili pa din ng photographer na ito nakunin ang ibang mas mahalagang bagay kesa sa mga nakikita ng iba:).

My brother is not a pig!


Totoo nga! Walang himala dahil ang himala ay nasa puso natin Nora Aunor Said. and My brother is not a pig!. Kasi naman maraming hindi nga baboy buwaya naman o baboy na buwaya pa grabe di ba maraming mapagkunwari at di maipakita ang totoo.

friends forever


Friend ko yan grabe so sweet everytime na kailangan ko sya lagi syang nandyan kaya kahit anong kulay at kahit anong lahi magkaibigan pa din.

Pepsi Murdered By A Gang of Coca Cola and Coca ColPepsi Murdered By A Gang of


Hirap talagang dumayo ng teritoryo kaging nabubugbog kahit na coke o pepsi ka pa its a lesson wag pagala gala

Love is blind

Hirap talagang maging bulag dahil sa pag-ibig kahit anong kulay, itsura at anyo. Basta't mahal mo tanggap mo pero hindi sa kasongito ng snail na ito tingin ko di sya bulag i thinks tingin ko isa syang tanga.

Wednesday, April 13, 2011

Hi-Tech ba talaga?


Di ko malaman kung hi-tech ba talaga o ito na ang usong trabaho sa mga susunod na panahon hehehe ATM na may tao sa loob para  tipid at coffe vending machine na may nagtitimpla sa loob. kung ganito na ang trabaho mag aaply kapa ba? :)

Aso ka ba o Tinapay?


Di lang pala tao ngayon ang double kara :) tulad ng tinapay na ito na parang aso iwan ko ba baki ganito siguro sobra naman ang pagkakagawa nito para mag mukhang aso iyong tinapay. o baka naman sobra ang pagkakabaluktot ng asong ito kaya nag mukhang tinapay. Kung kayo kaya kakainin nyo ba ito? |Di ba  parang tinapay with doggie flavor:) Ang Sarap !

Mapapayakap ka sa lambot:) o Mpapayakap ka sa Sarap:)

Bading ba sya? or Masarap lang talagang yumakap kasi malambot ang suot ng player na ito, o baka naman matigas dahil and kanyang abs, kaya feel na feel ng isang player na  yumakap:) Ano sa palagay mo? Actually 3 hrs na sila dyan walng tinag:)

Lumangoy ka habang may tubig! Aabutan din kita!


Baliktad na talaga ang mundo ngayon pati pating e pinagpipyestahan na sa mga restaurant dahil sa kanilang shark pin, at talgang baliktad na pati tao, tao na ang iniiwasan ng pating hirap na makain ng tao hehehe. di ba baliktan na mundo.

Spy Next Door

Hirap talagang kumita ng pera kahit si Mcdonald kailangan pang maging espiya sa Burger King para lang malaman ang sekreto ng kalabang producto.:)

Hirap Talaga Pag Walang Pondo Ang Militar

Buti na lang natuklasan ang katiwalian sa AFP kung hindi baka ganito na lang ang mangyari sa mga sundali natin grabe kakahiya pag ganito noong training may damit pa pero ngaun halos wala na armas na lang ang natira:)

Tuesday, April 12, 2011

Friendly Akyat Bahay, Makikipanood Po! Wala kami kuryente

Kung ganito ba naman ang mga akyat-bahay sa mundo e di walang gulo, Sa tingin ko ang akyat bahay na ito ay mayaman na nag sawa na sa LCD or LED tv nya sa bahay kaya kailangan pa nyang umakyat sa bahay ng may bahay para makipanood lang. May challenge nga naman kung maliit ang tv manghuhula kapa ng mga character ng paborito mong telenobela, at malungkot manood mag isa samangtalang kung may kasama ka mas masaya. Ang mali lang dito sa akyat bahay na ito sana nagdala man lang sya ng mga pika pika like popcorn then share sa may ari ng bahay para naman matuwa at always welcome sya sa house. :)

New Technique Para di ka mahuli ng boss mo na natutulog

Di ba ganda kahit tulog ka parang gising lang completo sa accessories yan, 2 in one habang tulong ang original ay  nasa work naman iyong proxy employee.:) Mapapakinabangan ito ng mga antuking empleyado :)

Pinoy na pinoy di ba just do it, ganito tayo until now umiihi kung saan saan, kaya nga pati katabing aso di mapigilan magtaka kasi kahit pala tayo umiihi tulad ng aso ang pinagkaiba nga lang ay di nakataas ng paa. 
:). Ito pa ang nakapag tataka kung saan nakalagay ang mga may karatula ng bawal umihi dito iyon ang pinakamapanghing lugar bakit kaya? Sadya nga lang bang hindi marunong mabasa ang pilipino, hindi marunong umintindi ng binasa, o wala lang pakialam. Sa isang banda mahirap din naman mag kasakit sa bato. Lalo na wala naman laging available ng palikuran para sa publiko kung meron man mapanghi na at napabayaan na ng gobyerno.

Now Fish Flop



Ayan na ang usong treneslas  ngayon na inaasahang tatalo sa havayanas ng brazil main in the Philippines, and new product from General Santos City, Mindanao na inexport pa ngayon sa ibang panig ng mundo. Astig di  ba :) claim it. Sa tingin ko pati kayo hirap mahanap nya kung sa dry section ng mga public market or sa wet section. di kaya malangsa din kugn duduutin o kaya habulin ka ng pusa at aso habang naglalakad ka. o di naman kaya habulin ka mismo ng kapitbahay mongwalang ulam kasi naman katakam takam itong fishflop na ito sarap kayang gataan kaso baka pag kagat mo e rubber ang manguya  mo :)

Monday, April 11, 2011

True sign na isa kang Adik sa Cellphone, Kilikitext! Claim



New version of Cellphone the 1000x series 12 in 1 cellphone. May cellphone kana may iba't - iba ka pang features like the following.

  1. Radio AM/FM
  2. TV
  3. DVD Player
  4. Stereo
  5. Refrigerator
  6. Built - in electric Fan
  7. Built - in hot and cold water dispenser
  8. Built - in Xerox Machine
  9. Built - in Fax Machine
  10. Built - in Camera 24 mega pixel
  11. Built - in MP3 to MP5 player
  12. Wifi ready
Officially release this coming 2012. Bili na! Claim it

Creative Products (sobra sa pagkamalikhain) Try Na!


Gaganahan ka kaya kung ganito ang iinuman mo?, o baka mag diet ka na lang kasi di kaya ng panlasa mo? kasi kung ganito ka creative ang producto sigurado instant natitigil ka sa pag kakape mo o pag-inum mo ng alam kasi sa design palang siguradong di mo na pagtatangkaan uminom ng kape o alak sa baso mo. Mabisang pang diet diba o kaya pangpahinto sa pag inum. Try na!

San ka pa Only in the Philippines





Grabe naman talaga ang competinsya pag ganito na ang mga produkto imagin Red horse nakalata , he he he
may naka litro pack pa para sa mga di makabili ng sa bote. at kung talga di kayo  makalusot sa mga fine ng mga resort magdala na lang ng red horse candy. Kung pampatulog naman ang iyong hanap imagine mo parang vitamins lang  Red Horse capsule. Then kung sosyalin ka at ayaw mo ng di bote kasi para sa mga astig lang ito mag chocolate Red Horse ka na lang.:) kakatuwa pero sana wag na mauso kasi naman hirap namaway ng mga lasinggo sa kanto kahit sa mga sinehan, shopping mall, park, at mga lugar na dati rati walang lasing baka kahit saan na lang may lasing pag na uso ito imaginin mo na lang driver lasing dahil sa Red Horse capsule di ba ang hirap :)

Nakakalungkot isipin base sa ulat ng DOH may dalawa na namang katao ang nasalinan ng dugo mula sa donor na may aids, nakakatakot isipin na kahit nasa ospital kana pala at ang hiling mo ay gumaling imbes na gumaling ka lalo kang mapapahamak dahil sa mga kababayan nating gustong tumulong pero di nila na papansin na may Aids na pala sila. Sana mas lalong pagtuunan ng pansin ng DOH ang pagsubpo sa ganitong sakit at mas epektibong pagsasala sa  mga nag dodonate ng dugo. Di pala nating nalalanam na maaring isang araw na maconfine ka sa kahit anong ospital maliban sa sakit mo may aids kana din. Sana i push ng gobyerno na magkaroon ng pag susuri nation wide sa lahat ng tao dito sa pilipinas ng libre pasusuri upang malaman natin ng maaga kung sino ang may aids at hindi para di na makahawa pa..

Kaha de yero, pera nagkalat sa Japan shores

OFUNATO, Japan (AP) --- Walang mga sasakyan sa loob ng parking garage sa Ofunato police headquarters. Sa halip, daan-daang kaha de yero, na tinangay mula sa mga bahay at businesses nang maganap ang tsunami nitong nakaraang buwan, ang nagsisiksikan sa mahabang rectangular buildings.

Ang sinuman ay maaa­ring humawak ng life sa­ving ng ibang tao.


Ang mga kaha de yero ay inanod at tinangay sa tsunami-battered coast, at sinisikap ngayon ng mga pulis na mahanap ang mga may-ari nito -- isang kakaibang problema sa isang bansa kung saan karamihan sa mga tao, partikular ang mga matatanda, ay nagtatago pa rin ng kanilang pera sa bahay.

Tinatayang umaabot sa $350 billion ang halaga ng yen na hindi nagsi-circulate.


Mayroon pang tawag para sa mga tagong perang ito sa Japanese: ‘tansu yoking’ o ‘wardrobe savings’.



Kaya ang isinasagawang malawakang post-tsunami cleanup sa ilang daang milyang sinalantang northeastern coast ay kinasasangkutan ng napakadelikadong business sa paghihiwalay ng junk mula sa mga valuables. Ang mga manggagawa at residente ay nakakapulot sa mga wreckage ng mga cash at locked safes.



Isang buwan matapos ang March 11 tsunami na sumalanta sa Ofunato at iba pang kalapit sa siyudad, nadagdagan ngayon ang trabaho ng mga police departments, ang pamamahala ng mga nawawalang yaman.



Opinion

Buti pa sa kanila pag may kalamidad agad natumutulong ang kanilang mga kababayan sa Japan at di nag sasamantala, kahit na pare-pareho silang nasalanta  ng tsunami na tumama sa Japan last March 11, 2011. Di pa rin magawang angkinin ng mga japanese authority na ito at ng mga rescuer ang mga bagay na nakukuha nila sa tsunami site. Samantalang ang pilipino may masunugan lang sigurado habang nag lalabas ka ng bahay ng gamit mo may nagtatakas ng din ng gamit mo,imagine nasumugan ka na! ninanakawan ka pa. At kung dito sa pilipinas nangyari iyong sigurado ang mga perang makikita sa site pag iintrisan ng ilan nating kababayan. Nakakalungkot  lang sa mga pilipino kasi sa panahon ng kagipitan at trahedya kasabay ng pag tulong ay pananamantala ng ilan natingkababayan imbes na mga pagkain at relef good para sa mga nasalanta nagagawa pang iimbak ng mga pulitiko para sa pansariling interest kung di man nauuwi ang iba sa ukay ukay kalungkot di ba. Bakit di nating gayahin ang mga hapon ang lahing nang api sa ating noon ngayon napapakita sa buong mundo ng katatagan at magandang halimbawa. Ipinapakita nila na mas makatao sila kesa sa mga pilipino.

Sunday, April 10, 2011



source: GMA 7 i-witness
                                                                        Kidney for Sales


Isa lamang ito bahagi ng ducomentary ng i-witness sa mga illigal na transaction ng pagbibinta ng bato.hindi maikakaila na ang mga pagkawala ng mga kabataan ngayon sa Metro Manila ay iniuugnay sa kalakaran ng bentahan ng mga lamang loob ng tao.


Maaaring totoo ito o hindi pero sa aking pagkakaalam isa ang sakit sa bato sa mga pinakamalalang sakit ng pilipino ngayon kung saan daang daang tao ang may sintomas nito. Dahil na din sa mga maalat ng pagkain.


Sa kalakaran ngayon ng industriya ng pag nenegosto at pagkain hindi na isinaalang alang kung ito ba ay makakasira o hindi sa ating katawan at kalusugan.


Dagdag pa dito ang kawalan ng akyons ng gobyerno sa mga ganitong karamdaman. Kung may roon mang institusyong na espesyalita sa ganitong karamdaman napakamahal naman ng singil at halos hirap magbigay ng sirbiyo lalo na sa mga taong hirap sa buhay.


Tulad na lang ng nangyari sa aking ina kung saan kailangan na nyang mag pa dialisys pero di na halos kinaya dahil na din sa laki ng gastos na aabutin para sa kanyang dialisys. Pilik mata na lang naming tinanggap ang kanyang unti - unting pakawala kahit na alam namin na maaari pa sanang dugtungan ang buhay nya kung kaya lang namin makatanggap ng mas mababang serbiyo ng gobyerno sa pag papadialisys. Sa kasamaan palad namatay ang aking ina habang hawak ang aking kamay. Napakasakit isipin ang pagkawala ng  isa sa pinaka mahalagang nilalan dito sa lupa ang ating ina.


Sa ngayon mag dadalawang taon ng patay ang aking ina. at ako naman naka move on na maliban na lang sa unti unti na din paglala ng aking sakit sa bato na maaring maging sanhi din ng aking kamatayan.


Opinion:


Sa ahensya ng gobyerno lalong lalo na ang Department of Health sana pag tuunan nyo ng pansin di lang ang mga sakit kagaya ng cancer at iba pa sana mas lalo nyong pakatutukan ang pangkaraniwang sakit ng mga pilipino na nauuwi sa maagang pagkamatay ang sakit sa bato.





WARNING! mga BATANG NAWAWALA



                                               "Walang Mawawala kung Di magpapabaya" by GMP



Nais lang natin IPAALAM sa lahat na  may mga BATANG NAWAWALA



mga bata... mga parents..wag nyo palalabasin mga anak nyo ng bahay na walang kasama... may nanguguha ng bata at pinapatay,, binebenta ung mga organs nila ...sa tyan ng bata nilalagay ung pera parang bayad s ginawa nila at may nkalagay pang notes " pacencya na trabaho lng " 

sa Malabon sa may tañong mallari ito nangyari hindi ito biro paalala lang po pacecnya na po medyo grabe talga ung picture.


isa ring pangyayari ang nangyari dito sa may sta. cruz manila masangkay st. kung saan may nag offer ng malaking halaga sa isang dalagita para sumama, pero napansin ng dalagita na parang kakaiba naman ang offer kaya daglian lumayo ang bata at nag sisigaw kaya di nakuha ang dalagita

source gmspinoy.com.ph


CAMP MIGUEL MAL­VAR, Batangas – Mariing pinabulaanan ng Batangas PNP ang mga kumakalat na text messages nitong naka­lipas na araw tungkol sa mga ulat na may mga batang na­wawala at kala­una’y natatag­puan walang lamang loob at mga mata sa Batangas at Quezon
Ayon kay P/Senior Supt. David Quimio, Batangas police director, pawang mga kwentong kutsero o haka-haka lamang ang mga text messages na naghasik ng takot sa buong probinsya.
Sa panayam kay Col. Qui­mio, ilang text messages na pinatulan ng ilang  national  tabloid  (hin­di PSNGAYON) na may isang grupo ang gu­magala sa mga barangay at na­ngunguha ng mga bata bago tinatanggalan ng mga internal organs at ipinag­bibili sa ibang bansa kapalit ang malaking halaga.
Kumalat ang balita na mayroong 15 hanggang 30 ka­bataan ang napabalitang dinukot ng sindikato na iki­nabahala ng mga magu­lang at mga residente ng buong lalawigan.
“Sa dami ng batang na­wawalang ‘yon dapat napuno na ang mga pre­sinto para mag-report ang mga magu­lang, ‘e wala namang kaming natatang­gap na reklamo maliban lang sa dalawang bata sa bayan ng Ibaan na wala namang kaugnayan sa kaso ng nawawalang internal organs,” pahayag ni Col. Quimio
Kinilala ni Quimio ang da­lawang bata na sina Patricia Patena, 5; at Fa­tima Boceta, 6, kapwa na­wala habang bumibili ng kendi sa kalapit na tindahan noong February 19.
“Hindi natin pwedeng iugnay ang dalawang ba­tang nawawala dahil hindi naman sila yung binabang­git sa mga text messages na tinang­galan ng mata, kidney at puso at tsaka iniwan sa gilid ng kalsada na may naka-singit na P5,000 sa katawan nang matagpuan,” pagtutu­wid ni Quimio
Niliwanag din ni Col. Quimio na wala pang plate number na iniisyu ang Land Transportation Office (LTO) na VMM-507 na nakalagay sa ginagamit na kulay pu­ting van ng sindikato.
Nananawagan si Col. Quimio sa ibang kasa­mahan sa media na be­ripikahin munang mabuti ang mga impormasyon bago ilabas sa mga pa­hayagan ang balita para hindi makalikha ng takot sa mga mamamayan.




Opinion

Maaring totoo o hindi ang balitang ito ngunit sa lahat ng mga mambabasa mas makakaiging sa lahat ng oras ingatan natin ang ating mga anak di natin masasabi kung kailan at kung saan ito muling magpaparamdam, ngunit iba na din ang nag iingat mahirap na mag sisi kapag huli na ang lahat.