Pages

Saturday, April 9, 2011

SUPER SUPER BUG AATAKE!




Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na panatilihin ang malinis na pangangatawan at kapaligiran kasunod ng banta ng bagong bacteria na tinatawag na “super super bug” na hindi umano tinatablan ng anumang uri ng antibiotic.

Kasabay nito ay itinaas na ng ahensya ang kanilang alert status upang masiguro na hindi makakapasok ang nasabing bacteria na kilala rin sa tawag na  NDM-1 na unang natuklasan ng mga eksperto sa New Delhi, India sa isinagawa nitong pagsusuri sa tubig.

Source Abante Online

Opinion

Maaring panibagong sakit ng ulo na naman ang super super bugs na ito sa buong mundo pero alam ko na kaya ng pinoy na malagpasan ang panibagong bugs na ito. 


  • alam natin na isa sa pinaka malinis na tao pag dating sa pangangatawan ay ang pilipino ang pinakamababang bilang na pag ligo ng isang pangkaraniwang pilipino ay isa sa maghapon pero iyong iba sigurado ako 3 hanggang 5 beses maligo. Imagine ganyan kalinis ang pilipino.
  • un nga lang pagdating sa kalusugan medyo sira ang pilipino dyan di mag papagamot maliban na lang pag malala na ang sakit, at siguradong titiisin wag lang mabasan ang kinikita at mabawasan ang budget sa bahay.



Thursday, April 7, 2011

Quiapo, kasama sa ‘notorious market’ sa buong mundo


Kasama ang Quiapo sa lungsod ng Maynila sa tinaguriang “notorious market” sa mundo ng Office of the United States Trade Representative (USTR).


Sa ipinalabas na “Out of Cycle Review of Notorious Markets” na pinakahuling annual report ipinalabas ng USTR, kinilala ang Quiapo bilang isa sa mga notorious market dahil sa pagbebenta ng lahat ng klase ng pinirata at pekeng produkto.



“Quiapo is just one example of several locations and neighborhoods, especially in Metropolitan Manila, known to deal in counterfeit and pira­ted goods such as clothing, shoes, watches and handbags,” ayon sa USTR.



Naging basehan umano ng USTR sa naturang reports ang napakaraming reklamo ng paglabag sa intellectual property rights at ito umano ay nasa Special 301 Report na ginawa ng USTR.


Source Abante Online

Opinion:

Nakakalungkot isipin na ang isang lugar kung saan dapat naipapakita natin ang mga producto na sadyang sa ating ay nababahiran ng maruming kalakal. Di din natin masisisi ang ating mga kababayan para patuloy na nag titinda, at bumili ng pirata dahil na din sa ito ang kanilang ikinabubuhay. Sabi nga nila mabuti na daw ang mag trabaho kesa magnakaw. Pero ano't ano pa man ang mangyari isa lang ang sigurado ginagawa nila ito para mapakain ang kanilang pamilya. Walang na sigurong makikilalang tunay o pirata kapag ang sikmura na ang inaalala ang importante kumita para may panlaman at sikmura.