Pages

Thursday, April 7, 2011

Quiapo, kasama sa ‘notorious market’ sa buong mundo


Kasama ang Quiapo sa lungsod ng Maynila sa tinaguriang “notorious market” sa mundo ng Office of the United States Trade Representative (USTR).


Sa ipinalabas na “Out of Cycle Review of Notorious Markets” na pinakahuling annual report ipinalabas ng USTR, kinilala ang Quiapo bilang isa sa mga notorious market dahil sa pagbebenta ng lahat ng klase ng pinirata at pekeng produkto.



“Quiapo is just one example of several locations and neighborhoods, especially in Metropolitan Manila, known to deal in counterfeit and pira­ted goods such as clothing, shoes, watches and handbags,” ayon sa USTR.



Naging basehan umano ng USTR sa naturang reports ang napakaraming reklamo ng paglabag sa intellectual property rights at ito umano ay nasa Special 301 Report na ginawa ng USTR.


Source Abante Online

Opinion:

Nakakalungkot isipin na ang isang lugar kung saan dapat naipapakita natin ang mga producto na sadyang sa ating ay nababahiran ng maruming kalakal. Di din natin masisisi ang ating mga kababayan para patuloy na nag titinda, at bumili ng pirata dahil na din sa ito ang kanilang ikinabubuhay. Sabi nga nila mabuti na daw ang mag trabaho kesa magnakaw. Pero ano't ano pa man ang mangyari isa lang ang sigurado ginagawa nila ito para mapakain ang kanilang pamilya. Walang na sigurong makikilalang tunay o pirata kapag ang sikmura na ang inaalala ang importante kumita para may panlaman at sikmura.

No comments:

Post a Comment