Pages

Monday, April 11, 2011

Kaha de yero, pera nagkalat sa Japan shores

OFUNATO, Japan (AP) --- Walang mga sasakyan sa loob ng parking garage sa Ofunato police headquarters. Sa halip, daan-daang kaha de yero, na tinangay mula sa mga bahay at businesses nang maganap ang tsunami nitong nakaraang buwan, ang nagsisiksikan sa mahabang rectangular buildings.

Ang sinuman ay maaa­ring humawak ng life sa­ving ng ibang tao.


Ang mga kaha de yero ay inanod at tinangay sa tsunami-battered coast, at sinisikap ngayon ng mga pulis na mahanap ang mga may-ari nito -- isang kakaibang problema sa isang bansa kung saan karamihan sa mga tao, partikular ang mga matatanda, ay nagtatago pa rin ng kanilang pera sa bahay.

Tinatayang umaabot sa $350 billion ang halaga ng yen na hindi nagsi-circulate.


Mayroon pang tawag para sa mga tagong perang ito sa Japanese: ‘tansu yoking’ o ‘wardrobe savings’.



Kaya ang isinasagawang malawakang post-tsunami cleanup sa ilang daang milyang sinalantang northeastern coast ay kinasasangkutan ng napakadelikadong business sa paghihiwalay ng junk mula sa mga valuables. Ang mga manggagawa at residente ay nakakapulot sa mga wreckage ng mga cash at locked safes.



Isang buwan matapos ang March 11 tsunami na sumalanta sa Ofunato at iba pang kalapit sa siyudad, nadagdagan ngayon ang trabaho ng mga police departments, ang pamamahala ng mga nawawalang yaman.



Opinion

Buti pa sa kanila pag may kalamidad agad natumutulong ang kanilang mga kababayan sa Japan at di nag sasamantala, kahit na pare-pareho silang nasalanta  ng tsunami na tumama sa Japan last March 11, 2011. Di pa rin magawang angkinin ng mga japanese authority na ito at ng mga rescuer ang mga bagay na nakukuha nila sa tsunami site. Samantalang ang pilipino may masunugan lang sigurado habang nag lalabas ka ng bahay ng gamit mo may nagtatakas ng din ng gamit mo,imagine nasumugan ka na! ninanakawan ka pa. At kung dito sa pilipinas nangyari iyong sigurado ang mga perang makikita sa site pag iintrisan ng ilan nating kababayan. Nakakalungkot  lang sa mga pilipino kasi sa panahon ng kagipitan at trahedya kasabay ng pag tulong ay pananamantala ng ilan natingkababayan imbes na mga pagkain at relef good para sa mga nasalanta nagagawa pang iimbak ng mga pulitiko para sa pansariling interest kung di man nauuwi ang iba sa ukay ukay kalungkot di ba. Bakit di nating gayahin ang mga hapon ang lahing nang api sa ating noon ngayon napapakita sa buong mundo ng katatagan at magandang halimbawa. Ipinapakita nila na mas makatao sila kesa sa mga pilipino.

No comments:

Post a Comment