Pages

Sunday, April 10, 2011



source: GMA 7 i-witness
                                                                        Kidney for Sales


Isa lamang ito bahagi ng ducomentary ng i-witness sa mga illigal na transaction ng pagbibinta ng bato.hindi maikakaila na ang mga pagkawala ng mga kabataan ngayon sa Metro Manila ay iniuugnay sa kalakaran ng bentahan ng mga lamang loob ng tao.


Maaaring totoo ito o hindi pero sa aking pagkakaalam isa ang sakit sa bato sa mga pinakamalalang sakit ng pilipino ngayon kung saan daang daang tao ang may sintomas nito. Dahil na din sa mga maalat ng pagkain.


Sa kalakaran ngayon ng industriya ng pag nenegosto at pagkain hindi na isinaalang alang kung ito ba ay makakasira o hindi sa ating katawan at kalusugan.


Dagdag pa dito ang kawalan ng akyons ng gobyerno sa mga ganitong karamdaman. Kung may roon mang institusyong na espesyalita sa ganitong karamdaman napakamahal naman ng singil at halos hirap magbigay ng sirbiyo lalo na sa mga taong hirap sa buhay.


Tulad na lang ng nangyari sa aking ina kung saan kailangan na nyang mag pa dialisys pero di na halos kinaya dahil na din sa laki ng gastos na aabutin para sa kanyang dialisys. Pilik mata na lang naming tinanggap ang kanyang unti - unting pakawala kahit na alam namin na maaari pa sanang dugtungan ang buhay nya kung kaya lang namin makatanggap ng mas mababang serbiyo ng gobyerno sa pag papadialisys. Sa kasamaan palad namatay ang aking ina habang hawak ang aking kamay. Napakasakit isipin ang pagkawala ng  isa sa pinaka mahalagang nilalan dito sa lupa ang ating ina.


Sa ngayon mag dadalawang taon ng patay ang aking ina. at ako naman naka move on na maliban na lang sa unti unti na din paglala ng aking sakit sa bato na maaring maging sanhi din ng aking kamatayan.


Opinion:


Sa ahensya ng gobyerno lalong lalo na ang Department of Health sana pag tuunan nyo ng pansin di lang ang mga sakit kagaya ng cancer at iba pa sana mas lalo nyong pakatutukan ang pangkaraniwang sakit ng mga pilipino na nauuwi sa maagang pagkamatay ang sakit sa bato.





No comments:

Post a Comment