Pages

Friday, June 3, 2011

Kawawa naman si Nemo


Hirap palang maging isda tignan mo si Nemo kung alam langnya na sisikat sya sa pelikula e di na sana sya nag artista pa ayan tuloy naging sushi sya :)

Magandang Pameke


nice car iyan siguro ang masasabi mo pero in reality e talagang mapapawow ka kasi isang malaking poster lang pala ang nakalagay sa garahe at hindi totoong sasakyan :)

Monday, May 30, 2011

Taksil


Sino ba talaga ang ama ng pinagbubuntis mo, sino! taksil sigurado akong hindi ako kasi di manok yan! tila ba ito ang sinasabi ng tandang na ito habang sinasakal ang inahing manok matapos matuklasan na di nya anak ang itlog na lumabas sa kanya :)

Relax and Enjoy


Naku napakaswerteng nilala naman nito parang nasa spa lang ha grabe makababad parang tao lang di ba tapos after nyo mababad e sigurado na ang katayan :)

Wednesday, May 25, 2011

Horror Movie


Hirap siguro manuod ng horror movie parang ito nanunuod ang mga manok habang nililitson ang kapwa nila manok kalungkot di ba :0

Chicken Football

Iwan ko ba pati ba naman manok naluluko ng foot ball fever nyan, data- rati sabong lang ang alam nila ngyaon pati football alam na din nila:)

Friday, May 20, 2011

You are monitored

Ganda naman ng sign for I.T. Department and for company kasi dami makulit kahit na bawal e cg pa din ayan ihampas na sa ulo ang monitor

Relax and enjoy

Nice pussy cat. kahit paano nakapagrerelax sya,kahit pusa pwede na mag sit down and relax with his favorite pepsi and lay while watching his favorite movie ang felix the cat (actually sa tagalog felix bakat daw un  for gay cat hehehehe).

i told you i was sick

Di ka naniwala sinabi ng may sakit di ka padin bumisita ngayon saka ka bibisita kung kailan di naman na nya kailangan 

This is Life!

Naku sarap aman kahit mga chipmunk e nag papa masahe din syempre lahat ng naman nag uupgrade kahit sila thats life :)

The real dead end

Grabe ito ang talagang totoong dead end mahirap dumaan dyan for sure nakakatakot :) Wala ng daan sa dulo nya kasi dead end na.

The New Star trek

Grabe pati mga chipmuck ay star trek na din marunong nadin silang gumamit ng laser sword:)

New strategy

Help Help Di ba pag may kumakaway e agad nating iisipin na may nalulunod. Paano kung isa lang pala itong patibogn tulad nito at pag tanong mo para sumaklolo ay may nakahanda na palang pating na naghihintay sa iyong pag baba. Galing ng pating pati sila may new strategy  na din :)

Tuesday, May 17, 2011

Balik ka pa lilipad? Relax

Balik ka nga  naman lilipad tulad nila kung pwede namang makalipad ng di napapagud may eroplano na kaya, madali na makarating sa pupuntahan relax pa heheheh :)

Humabol ka kung aabot ka hehehe

Dati - rati lagi nalang na sisila ng tigreng ito ang mga zebra but now hindi na marunong na din sila mag motor syemper upgrade na din sila marunong na sila ng mga bagay na ito kaya humabol na lang iyong tigre kung kaya nya hehehe.

The New Spy next door

Grabe naman ang dagang ito training nya ito to become spy next door grabe ano pati daga hi-tech na :)

Monday, May 16, 2011

Complaint Department

Naku hirap siguro mag reklamo o halos di na magrereklamo pag ganito ang lalagyan ng mga number hehehe hirap na masabogan hehehe:)

Sarap naman nito:)

naku pwede na palang mamili ng iba't - ibang flavor ng dextros na pwede ikabit sa inyo di na makakakain makakainum ka naman malalasing ka pa :) for sure maraming lasingero na gustong magpa ospital pag ganyan:)

Genius Pegion

Galing naman kahit ibon nag aaral na din just to prove na di sila utak ibon pwede din silang makipagsabayan sa tao :)

Wednesday, May 11, 2011

Maraming Namamatay sa Maling Akala

Ano ba talaga ang ginagawa nila? Green ba ang dating? Actually mag syota yan na nag uusap kung kailan ba sasagutin ng girl iyong boy habang may hinahanap ng document iyong girl si bf naman ay nakahawak sa batok kasi naman di pa din sya sinasagot ni girl tagal na kaya nila 10 years. wala pa din plano si girl pakasal:)

Magtipid Tayo

Grabe naman pag titipid ng lalaking ito siguro tubong lugaw ang amo nito  kasi kahit bisikleta lang pandeliver na parang track sa dami ng karga.for sure maagang mag kakaarayuma ang mamang ito.

Born This Way :)

Destiny Call kahit bata pa model na ng ibat - ibang brand sabi nga ni Lady Gaga born this way :)

Tuesday, May 10, 2011

Flavored Sheep

Kakatuwa naman ang mga tupa na ito cute na parang cotton candy pa siguro pag kinatay ito may flavor din hehehe :)

Two in one

Galing naman nito nakaduty na nagagawa pa ang hobby diba galing parang ice cream lang na 2 in one:)

Sunday, May 8, 2011

Ang Paghihiganti ng Pabo

Ganito natin sila kainin kaya sa kanilang hihiganti ganito din nila tayo parurusahan :)

interogation sa pabo

Tila sinasabi ng presidente ng Amerika kung sino nag utos sa pabo na ito na iinspection sya, pinapamin kung kasabwat ba sya ng alcada ni Bin Laden. o baka naman kabilang sa ibang grupo na nag spy sa amerika:)

Inspection Lang Po!

Tila ba sinasabi ng pabo na ito na inspection lang po boss walang presidente sa aking for security purpose lang.:)

Thursday, May 5, 2011

Maling akala

Palihasa stripe din sya kala nya kapatid nya ang lion na ito kung alam lang nya e pinalalakilang sya ng baby cub na lion na ito para gawing almusal, kasi naman feeling lion kahit pusa :) baka nga naman makalusot e maging magkapatid sila kahit magkaiba ng lahi hehehe

hirap matulog pag may naghihilik

Hirap talagang matulog pag naghihilik kaya imbes na sa mata nila ilagay e sa bibig na lang at least iwas na sa malakas ng tunog ng paghihilik iwas pa sa amoy bagong gising :)

New Kinds of Transpo




Galing naman pwede na pagsabayin ang fasion sa pag mamaneho at fashion sa mga bagay gabay gaya ng sapatos o baka, makasakay kana sa sasakyan na eenjoy mo pa ng fasion mo  diba two in one galing :)

Tuesday, May 3, 2011

KIller Truck

Kung ganito ba naman ang makakasalubong mo sa daan di kaya matakot ka kasi literal na killer truck ito, Malaki ng ang truck katakot pa ang design:)

Oldest delivery system

Iwan ko ba pati ibon e delivery system pa din until now di lang pala tao ang slave pati pet pagdalhin ba naman gn newspaper. Siguro pinabili na din yan.:)

Sosi Bird

Kung ganito ba naman ang buhay sarap maging ibon diba napakasosyal naman ng ibon na ito biruin mo pa pepsi pepsi lang sawa na siguro sa isda:)


Monday, May 2, 2011

Help! Sunog!

Di kaya mabalian naman itong rescuer na ito para masalo itong survival sa sunog baka di na nya mailigtas iyong tatalog for sure mababalian pa sya.Use your head think big but not too big.:)

Mainit talaga kasi summer

Hirap talaga ng panahon ngayon kahit saan ka pumunta e talaga namang subrang init pero kung ganito naman talaga ang panangga mo sa init naku solve na solve may burger ka na may payong ka pa plus extra extra coke subrang happy ng summer.

Wow Mali

Hirap talaga pag tanga taga dun na nadudulas pa parang minsan tayo di ba pag nasa bahay tayo minsan alam na natin ng may nakaharang pala dun tuloypa din tayo para di natin nakita at di natin alam tuloy nadudulas tayo o kaya minsan nauumpog pa kahit alam natin na may nakalagay dun napwede nating ikapahamak. tulad ng polar bear na ito naturingan polar bear at nakatira sa bundok ng yelo pero ito nadudulas.

Tuesday, April 26, 2011

Gaya - gaya Puto - maya

Gaya - gaya, talaga! ganito karamihan ng pilipino iwan ko ba pag may original yata laging may katapat ng pirated :) alam mo iyon nung nasa may nila pa kami iwanko ba kung sinasadya, Pag bumili kami ng bagong gamit ng asawa ko makikita mo iyong kapit bahay namin bibili din ng bagong gamit. Pag naghanda kami ng medyo masarap sarap ng ulan sila din mag hahanda din at isisigaw po manok ang ulan namin!.Then iyong kasamahan naman ng asawa ko pag bumibili sya ng damit sasabihin nun kasama nya i like it san ka bumili, then next day meron na din sya, then bumili naman uli ang asawa ko ng ibang item nakita na naman nung kasama ng asawa ko sabi na naman san mo binili yan i like it. then next day meron na din sya. sabi tuloy ng asawa ko lahat na lang ng meron ako gusto nya meron sya lagi nya sinasabi i like it. Sobra ano di  na makapag solo laging may kapareho.:) Parang itong bakang ito di naman sya dolphin pero ang kilos nya dolphin Hay naku! di na makapag solo Dolphin nga e di baka !:)

Use Only What you need, nagbabayad din kami ng tama

Oo nga naman kasi naman kahit na 8 pesos lang ang binayad kung makaupo pang 16 pesos na pang dalawang tao na minsan pa nga ayaw po umusog kahit na iyong katabi e dulo ng lang yata ng puwet ang nakalagay sa upuan pero same din  naman ang bayad nila. Minsan nga sa bus pag sakay ko may nakahiga pa sa pang tatluhang upuan sabi ko nga binayaran ba nya talaga ung pang tatlong upuan na iyon para lang mahigaan tapos pinauusug sya ng pasahero kasi wala ng maupuan sya pa ang nagalit acutally ang bayad nya nun tinanung ko iyong conduktor ay pang isahan lang grabe ano kapal kaya. actually ang tawag dun sugapa sugapa sa upuan

Papansin!

Minsan talaga pag di kana nagpapansin ng iba at talagang piling me di ka and center of attraction maigi na iyong minsan minsan maiba kung nakatao ka baliktarin mo at kung nakalitaw ang ulo mo paminsan mina ilubog mo naman para naman balik ang center of attraction sa iyo. Advisable to sa mga artista:)

Monday, April 25, 2011

Hirap Maglasing



Hirap talaga mag lasing kasi minsan e talagang di mo na alam ang ginagawa mo tulad ng nangyari sa kapatid ko after nya mag lasing e umihi sa kaso hindi sa banyo sa computer ko nasira tuloy huhuhu. at tulad ng nasa tent na ito sigurado bukas hiwalay yan mas masarap ba kayakap ang bike kesa sa girlfriend mo hehehe. O kaya hirap naman mag alaga ng hayop kungpati sila may bisyo sosyalin di ba:)

Safety First, Use helmet

Sabi nila ang Commonwealth Avenue or Hi-way ang pinakadilikadong kalsada sa buong metro manila dahil sa karamihan ng mga aksidente ay sa lugar na unmakikita at karamihanng sangkot ay motor, sinasabi sa pag aaral na ang motor accident ang pang lima sa mga dahilan ng pagkamatay ng mga pilipino kaya nga mas maigi na ang safe tulad ng nasa larawan gumamit ng di lagn basta helmet o mahinang klase ng helmet mas maigi na ang ligtas

Sunday, April 24, 2011

New Life, New Beginning

 Simula na naman ng bagong buhay after nating marealize na tayo ay tinubos sa kasalaman ng ating Puong Lumikha. Panibagong buhay para sa mga nagsisimulang magbago, sa mga gustong makapagsimula, sa mga gustong mas mapabuti ang lahag sa kanyang buhay. 
 Maganda ito lalo na ngayon kakasimula pa lang natin ng ating unang araw ng paggawa after our celebration of Holy Week but sana di lang ngayon, bukas or sa susunod na araw natin dahil ang lahat ng aral ng semana santa kundi sa araw araw nating pakikipag laban sa buhay maisakatuparan sana natin ang layunin ng lumikha kung bakit ibinuwis at tinubos ng sarili nyang anak ang ating mga kasalanan.
Upang ikaw at ako ay magkaroon ng bagong buhay at bagong simula para makapag bago, sana wag na nating balikan kung ano man  ang mga bagay na lumipas lalong lalo na ang ating mga masamang gawain upang ng saganun makapamuhay tayo ng normal at higit sa lahat may pagmamahalan

Monday, April 18, 2011

Sana sa isang daan tayo patungo, at isang layunin para magtagupay


Minsan naiingit ako sa mga isa at ibon. Bakit kasi kahit ano mangyari e sama sama sila iisang direkyon iisang adhikain, iisang pangarap, ang makarating sa pinakatahimik, at puno ng biyayang lugar kung saan pwede silang mamuhan ng mapayapa at masaya. Magandang samahan walang mailiit o malaki, walang nasa hulihan o nasa unahan kasi lahat nag aantayan at walang naiiwan. Ganito ang mga isda, ito at mga ibong ito. tila ba nag papaaalala na sa bawat hamon ng buhay kailangan iisa ang direction, mapabata, matandan, lalaki or babae, kung iisa ang goal mas malaki ang tsansang magtagumpay.

Di ba mahirap naman kung lahat ay nasa iisang direction tapos may isa dalaw tatlo or isang grupo ng iba ang daan sigurado di tayo mg tatagumpay. kasi magkaiba ang pananaw at mag kaiba ang iisip. bakit di natin tignan kung ano talaga ang gusto nating mangyari , at common sa lahat ng isda or ibon para iisa ang kampay nating, Di ba lahat naman tayo gusto makarating sa iisang lugay kugn saan tahimik, puno ng biyaya at walang kaguluhan. Mas mararating natin iyon kung puno tayo ng pag kakaisa at di lang ilan ang nag hahangad ng mas mabuting buhay.

Di ba mas masarap kung di lang ikaw, ako, at kami, di ba mas masarap ang pakiramdam kung lahat tayo. Mas gumagaan, mas nagkakaroon ng bonding sa isat-isa, mas gumiginhawa ang pakiramdam lalo nat iisa kayo ng nararamdamn, at iniisip ang magtagumpay at marating kung ano man ang layunin na gusto nating makamit



At sigurado ako pag ginawa natin yan walang madidisgrasya, walang mapapahamak, walang makukuha ng kahit sinong kaaaway na gusto tayong kunin sa group ng mga isda o iba. bakit kasi iisa tayo sama - sama tulong tulong at iisa ang layunin.

Sana maabot natin kung ano man ang gusto nating maabot at makamit sa buhay sa tulong na sama-samang effort ng bawat isa at iisang galaw, iisang diwa, iisang isip para sa ikatatagumpay ng lahat
Think about it, its for your furure